A thud–

probably, a memory has now gone missing.
As if it was washed ashore somewhere in the lost world.
Something also struck my head–
Pain, is this pain?
It felt like clanging steel bars
or chimes softly brushed by the wind–
smoothly snatched away by the swift thief.
But I remember losing something–
that perhaps lead to me losing, losing
everything I have ever loved and held too close and dear.
Be it perhaps:
a paper wrinkled in times and festered in by molds forming
by the unforgiving suspect. Such words of endearment palpably lost;
A journal unkempt and entombed in dust, words that will never reunite
with its author’s eyes; Dates that have been stripped of everything.
My parents, they were everything too me, and too late
to only find out, voices that can never reach out
and echoed only in regret. A sudden return of languish,
and desperation that I am well aware of.
A reunion with lonely thoughts as the entertainer
of this depressed, lowly author.
But wait–
what of this fleeting memory?
Like a dewdrop that lovingly kiss a flower in a misty morning,
a cup of warmth, an eyelid opening,
a smile beckons– a smile recalled.
A good morning whispered.
Then, voices of a child, is it me?
“Mother, Father, what’s for breakfast?”
I get up from bed.
Clasping the back of my neck, rubbing it for warmth
but it was already warm and truthfully, I wanted it to stay longer.
Because I know, someone held me in my sleep–
a familiar warmth.
They wanted me to remember them again.
But now, it slips, and a thud–
No.
Don’t–
I already have lost too much.
#10/30/2016

ang nagaganap

Ang Nagaganap

 

Idinantay mo ang iyong ulo sa aking balikat

nung nais mong magpahinga, nasamyo ko

ang isanlibo at isang palaispan

sa iyo nang mga sandaling iyon.

 

Nang ipinatong mo ang iyong kamay

sa kabila kong balikat, naramdaman ko

ang bigat na siyang nagbubuhat

sa kalbaryo ng iyong buhay.

 

Nang yakapin mo ako

hindi ako nag-atubili

o nagsadalawang isip

na sumalubong,

nang lumapat

ang iyong dibdib sa akin,

para na lamang akong dinarang

ng init mula sa liyab ng apoy.

Natutupok, paminsan-minsan

sa kisap ng iyong pagpintig.

 

Hayaan, hayaan mong

madarang at matupok

ang aking kalamigan

ang aking pag-iisa.

Halika, hawakan mo ako

siyang magpapaaalala

at magpapaalala

sa iyo ng sasabihin

sa tanong

na dapat natin sagutin:

 

“Bakit?”

 

“Sapagkat iniibig kita.”

Pedring

Mistulang napariwarang pag-ibig

ang lungsod ngayon. Ang mga lansangan

at ang mariringal na tindig

nitong siyudad ay sinusubok nitong panahon.

 

Nangatal at sumaboy ang mga halamanan,

naglipa ang laksa-laksang sanga at dahon

sa daanan.

 

Nabara ang mga kanal, at umapaw

ang mga nalikom na luha nitong langit.

 

Palahaw ang tinig ng hanging humahagupit

sa mga bubungan. Nakaukit sa bawat tuping

yero ang ngalan ng mga nawawalan.

 

Kalungkutan ang awit nitong bagyo,

at isinasama niya ang sinumang

nakakaramdam nitong lumbay.

 

Isang liriko ng hinagpis, likha nitong lumbay na awit

umaalingawngaw saang dako man ng mundo.

Alab

Nadaratnan natin ang ating mga sarili na binabalikan

ang mga uanng kwento: ang unang tuklas sa sinaunang apoy,

ang paggapang nito sa ating palad, natutuhang

ikuyom at isigaw ang unang salita ng pag-ibig.

O marahil, sakski tayo sa mga pagbabago sa ating lipunan,

sa ating mga katawan, kay raming sugat sa ating mga kaluluwa

nagiging mga karanasan na siya nating isinalasalaysay

sa ating mga kasamahan: “ganito nababago ang lahat sa iilang salita:

ang pagpapanibagong hubog ay hindi madaling landas.”

O ‘di kaya nagsaboy itong silab, nagliyab sa iba’t ibang

dibdib ng mga mangingibig/mandirigma saang man larangan:

tanging tanglaw sa mga paglaban na siyang tangan hanggang wakas.

Ngunit sa lahat, ikaw ang alab sa aking buhay,

at kung minsan ang paninindigan ay parang nanghihinang apoy,

ikaw ang mitsa, ang siklab, halika, hayaan mong

darangin ako ng iyong liyab, lagnatin hanggang pagkabalisa ay mawala

hanggang dumaloy ang dugo sa bagong tuklas na pag-ibig.

O ipakita mo sa akin

kung paano maikukubkob ang ganitong kalawak na  pag-ibig

sa iisang ngalan.

paglipas

Paglipas

 

Lipas na ang mga araw na naaalala kita, mahal

o marahil, naaalala pa kita, paminsan-minsan.

 

Sa mga sakayan, sa pilahan, matamang inaabangan

ang paghuli sa ngalang patutunguhan.

Marahil napansin kita. Sa hindi magtugmaang

pagdating at paglisan ng mga pasahero at dyip,

naroon ka sa laksa-laksang nag-aangalan sumakay.

Ikaw, na sa aking harapan ay lumayo ng ilang agwat

at tuluyang sumabay sa huling biyahe ng araw na iyon;

 

Ako na naiwan noong una pa man,

naalala pa rin kita, paminsan-minsan.

 

Sa mga dahon na inabutan ng taglagas,

sa mga natuyong dahon sa init ng tanghaling tapat,

sa mga nadurog na dahon sa ilalim ng ating paa,

 

sa mga antigong mensaheng hindi ko makuhang

mabura sa aking selepono,

 

mga ligaw na liham na nakaipit

sa bawat nakatuping diyaryong

hindi natin makuhang buklatin,

 

at ang mga pangalan nating iniwan sa sulok ng isang pahina.

 

Tulad ng lahat ng naiwan,

hindi na babalik kailanman.

 

Hindi na kita hahanapin pa.

 

Ngayon ang mundo ay patuloy pa rin sa pag-inog

kahit unti-unti itong nadudurog.

 

Naalala kita, hindi ngayon kung hindi noon pa man,

na ikaw ay mawawala sa simula pa lamang.

 

pagmumulintuklas

Bagong taon, bagong blog o marapat sabihin na bagong kanlungan ng aking mga saloobin at mumunting mga palaisipan.

Ngayon hindi ko maisip kung ano ba ang magiging tungkulin ng blog na ito; sa buong buhay ko ng blogging ay nagkaroon ako ng halos limang blog, lahat puro personal na talaan at lahat ay nagretiro na rin. Ngayon gumagawa ako ng proyekto na pakauntiin ang mga blog na pinag-aabalahan ko. Kung sa bagay, matagal na rin akong nag-iisip ng isang online portfolio ng aking mga likha, mga tula, kwento o kung anuman. Naghahanap rin kasi ako ng mapagkakatiwalaan na site. Ito na siguro yun. Kaya–

Less talk, more writing!